Para sa akin, dapat pumili ang estudyante ng isang kurso kung saan siya ay mag-eenjoy. Yung matututunan niya ang mga bagay na gusto niyang matutunan o kung ano man yung interesante para sa kanya.
Ngunit kung wala namang interes sa kung anong bagay ang isang estudyante, at gusto lamang maitawid ang kolehiyo, praktikal na kumuha ng kursong Business Management o Entrepreneurship. Malawak ang sakop ng mga trabaho o karera ang pwede pasukin ng mga nagtatapos sa mga kursong ito.
Subalit, hindi rin nangangahulugan na para ito sa lahat. Kailangang suriin ng maigi ang sarili upang malaman kung ano nga ba ang nais mong maging.
Heto ang ilang tanong na maaaring sagutin at suriin ng mga batang nag-iisip ng kanilang kurso sa kolehiyo:
- Ano ang bagay na nagpapasaya sa akin?
- Ano ang pangarap ko noong bata pa lamang ako?
- Anu-ano ang mga bagay na kaya kong gawin?
- Anu-ano ang mga bagay na hindi ko kaya or gustong gawin?
- Ano ang nais kong maging, gawin, o puntahan pagkatapos ko makapagtapos ng kolehiyo?
- Anong klase ng tao ang nais ko makahalobilo?
- Sinu-sino ang mga taong iniidolo ko?
Maaari rin magsaliksik sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga dyaryo, libro, magasin, o blogs ng mga tao sa iba't-ibang larangan o propesyon upang matuklasan kung magugustuhan mo ang propesyon o kurso na iyong papasukin.
Kung di makapagdesisyon... GOOD LUCK NA LANG! JOKE!
Kung di makapagdesisyon... pumili ng kursong alam mong di ka mahihirapan, at may iba't-ibang potensyal na papasuking karera.
5 komento:
Waaaa.
Galing mo ate Ria. Hindi ko pa nabasa ang post mo, title pa lang.
Sige, basahin ko. Helpful sana ang post na ito.
:D
salamat po kase nkatulong po ito sa assignment ko sa filipino ..
super thankful..
tama ! xxx ang galing.
thanks
thanks
Mag-post ng isang Komento