Isang araw nakatanggap ako ng isang tanong mula sa isang ka-loveteam ko. Itago natin siya sa pangalang John. Tinatanong niya kung ano raw yung tawag sa polo na tinutupi upang maging medyo maiksi yung manggas. Sabi ko "3/4s polo ang tawag dun." Ibinibigkas po itong "three-fourths." Ayon naman sa kaibigan kong fashionista "long-sleeved polo" pa rin daw tawag dun. Sabi naman ni Wikipedia "dress shirt" di umano ang tawag dun.
Balik tayo kay John. Tinanong niya rin ako kung asan daw siya makakabili ng mga ganoong polo. Gusto raw ni John bumili ng mga 3/4s polo para sa kanyang panliligaw sa kanyang napupusuang babae. NAKS! Sagot ko, "sa Guess." Sabi ni John, di raw ito kaya ng budget niya.
Sagot ko naman, subukan niya sa Van Heusen. Nakabili na ako dun ng mga polo/dress shirts at gusto ko mga kulay at disenyo nila. Sabi ko maganda rin tumingin sa Chimes kasi maraming iba't-ibang brand ng mga polo dun. Iminungkahi ko rin na maghanap siya sa mga department stores ng mga malls gaya ng SM.
Sabi ng isang kaibigan kong lalake, marami ring magagandang polo sa Loalde. Sabi ko medyo dark yata mga kulay nila dun. Mas bagay kay John ang pastel na kulay sapagkat maputi siya at medyo bata pa. Gagamitin lang naman din niya yung polo sa pagpapa-cute sa nililigawan niya kaya mas babagay yata sa kanya ang Van Heusen.
Sabi ko maari ko siyang samahan sa paghahanap kung gusto niya. Ite-text niya na lang daw ako kapag may pera na siya at desidido na siyang bumili ng mga polo.
Kung may mga tindahan o brands pa kayong maimumungkahi, para sa kaibigan kong si John, paki-iwan na lang po ng komento sa blog na ito.
Maraming salamat po!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento