Bakit?! Bakit?! Bakiiit?!
Yan ang tanong ng marami pati na rin ang "Paano?" Simple lang ang sagot ko... "kasi gusto ko."
Simula nung bata pa ako, pangarap ko na talaga maging isang manunulat. Hindi yung manunulat na gumagawa ng mga kwento at tula. Hindi rin yung manunulat na nagsusulat ng balita. Gusto ko sumulat ng mga sanaysay tungkol sa aking sariling, sa aking mga opinyon at mga bagay-bagay na mahalaga o interesante para sa akin.
Isang nakakabagot na summer noong nasa Ateneo pa ako, naisipan ko gumawa ng Yahoo Group upang kulitin ang mga kaklase at kaibigan ko na gustong makabasa ng aking mga sinusulat na sanaysay at kung anu-ano pa. "Riality Bites" ang pangalan ng YGroup na yun. Kasanayang puro mga sanaysay tungkol sa aking sarili ang mga sinulat ko doon. Kung minsan nagsulat din ako tungkol sa politika, at mga paksa sa mga asignatura ko sa skwela gaya ng Pilosopiya at Teolohiya.
Di nagtagal, gumawa ako ng isang personal na blog sa Live Journal. Napansin ni Kuya Andrew na mahilig akong magsulat ukol sa politika kaya inimbitahan at hinikayat niya akong gumawa ng niche blog tungkol sa politika at napanganak ang Alleba Politics.
And they rest, ika nga sa isang kasabihan, is history. Ang Alleba Politics ang simula lamang ng paglago ng blogs ko na 11 na sa ngayon. Kasapi rin ako sa ilang group blogs. Kasapi ako sa isang blogging network kung saan ako ang manunulat para sa higit na 20 blogs.
Bakit? Paano?
Kasi gusto ko. Dahil masaya ako. Kasi nagbibigay ito sa akin ng kakaibang tuwa. Dahil masayang kumita ng pera para gawin ang bagay na gustong-gusto kong gawin.
Kaya sa mga nag-iisip mag-blog... tanungin niyo muna ang sarili mo...
"Sino ba ako?"
"Ito ba ang magpapasaya sa akin?"
"Ano ang bagay na tunay na makakapag-excite sa akin?"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento