Lunes, Marso 10, 2008

Bakit Konti Lang ang mga Kumukuha ng Kursong Education?



Isang araw, nakatanggap ako ng email mula sa isang taong di ko kilala, na wala man lang nakasulat na subject. Ito ang nilalaman ng email:
"ate ria, bkt po konti lang ang mga kumukuha ng kursong education?"


Sa aking palagay, taliwas sa inaakala ng nagpadala ng email, maraming kumukuha ng kursong Education. Sa katunayan, pangalawa sa pinakamaraming kumukuha ng licensure exam ang mga nagnanais maging guro. Una siyempre ang nursing.

Maraming kumukuha ng kursong Education dahil gaya ng Nursing, maraming mga oportunidad sa labas ng Pilipinas para sa mga guro. Sa katunayan, may mga propesyonal na kumukuha ng mga "units" sa Education upang makapag-eksamin sila ng Licensure Exams for Teachers (LET).

Marami ring kumukuha ng kursong Education sapagkat maraming iba't-ibang asignatura dito, maaari kang mag-major sa Mathematics, English, Filipino, Science, Values Education, at kung anu-ano pa.

Ako man, kumuha rin ng kursong Education dahil gusto ko maging guro. Hindi upang maging guro sa ibang bansa, kung maging guro dito sa ating bansa. Dahil mahilig akong magsalita, at mahilig din ako sa Math at iba't-ibang asignatura, kaya naisipan kong kumuha ng kursong Education.

Di man ako guro ngayon na nagtuturo sa isang paaralan, sa loob ng silid-aralan, sa aking palagay nakakapagturo pa rin ako sa iba't-ibang paraan. Nagiging guro ako sa pamamagitan ng mga blogs ko. Nagiging guro ako kapag naiimbitahan akong mga tagapagsalita sa mga seminar. Iilan lamang ito sa mga okasyong nagiging guro ako.

Kaya dun sa ngapadala ng email, ito ang sagot ko, MARAMING KUMUKUHA NG KURSONG EDUKASYON.

Biyernes, Pebrero 8, 2008

Paano ba Hihilumin ang Nagdurugong Puso?

NOOOSEBLEED BA ANG PAMAGAT? HAHA!

Nitong mga nakaraang linggo, may iilang mga kaibigan akong balisang-balisa, di mapakali, di makapamuhay ng maayos dahil sa isang suliraning di nila mabigyan ng karampatang solusyon. Paano nga ba gamutin ang isang pusong nasaktan?

Kahit ano pa ang sabihin ng iba, ang tanging lunas, tanging makapagpapawala sa kirot at sakit... ay ang pagtanggap. Ngunit mahirap itong gawin, mahirap makamit.

Paano mo ba tatanggapin ang isang bagay ng mahirap maintindihan? Upang umabot sa pagtanggap, kinakailangan ng tinatawag na "closure." NAAAKS! At paano makukuha itong tinatawag nating closure?

Iba-iba ang pamamaraan ng tao upang makamit ng closure. Para sa karamihan, dumarating ang closure sa pamamagitan ng isang matinding komprontasyon. Minsan, dumarating ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga sagot sa mga tanong na nakakapagpabagabag sa kanilang isipan.

Sa aking buhay, nakuha ko lahat ng closure na kelangan ko sa pagtatanong ng nga mga tanong na ito ng harap-harap sa mga taong makakabigay ng mga sagot (halimbawa: sa mga tangang lalakeng dumurog sa puso ko).

At kapag natanong ko na lahat ng tanong, at nakuha ko na ang lahat ng mga sagot na kailangan ko, saka ko tinatanggap ng kusa, ng maluwag sa aking kalooban ang mga pangyayari.

Kung inaakala kmong makakamtan mo ang katahimikan sa di pag-imik, di pag kibo, pagsasawalang bahala, sa paglimot, nagkakamali ka kaibigan. Kung gumagana ang ganitong paraan para sayo, ma-swerte ka.

Ngunit kalimitan, isang matinding komprontasyon, ng pagtatanong, ng paghingi ng kapatawaran and tanging magdadala sayo sa pagtanggap ng katotohanan.

At sa pagtanggap na ito, dahan-dahang hihilom ang mga sugat. Kasanayang, hindi tuluyang mabubura ang sakit, ang hapdi, ang kirot, at mga sugat. At may konting bahagi nito ang naiiwan sa ating puso.

Itong bahaging ito ang nagtuturo sa atin ng mga dapat nating matutunan, nagpapaalala na minsan nakamali tayo, nasaktan.

At kahit na naghilom na ang pusong minsan dumugo, ang mga leksyon ng minsang pagkadurog nito ang magpapatibay rito.

Linggo, Enero 20, 2008

Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo

Ilang linggo na ang nakakaraan, kinunsulta ako ni Mr. Chen. Ano raw ang maipapayo ko sa kanya. Hindi pa desidido si Mr. Chen kung anong kurso ang kukunin niya kapag tumuntong siya sa kolehiyo ngayong Hunyo. Ayon kay Mr. Chen, mabilis diumano siya magsawa sa isang bagay. Yun lamang ang binigay niyang impormasyon sa akin.

Para sa akin, dapat pumili ang estudyante ng isang kurso kung saan siya ay mag-eenjoy. Yung matututunan niya ang mga bagay na gusto niyang matutunan o kung ano man yung interesante para sa kanya.

Ngunit kung wala namang interes sa kung anong bagay ang isang estudyante, at gusto lamang maitawid ang kolehiyo, praktikal na kumuha ng kursong Business Management o Entrepreneurship. Malawak ang sakop ng mga trabaho o karera ang pwede pasukin ng mga nagtatapos sa mga kursong ito.

Subalit, hindi rin nangangahulugan na para ito sa lahat. Kailangang suriin ng maigi ang sarili upang malaman kung ano nga ba ang nais mong maging.

Heto ang ilang tanong na maaaring sagutin at suriin ng mga batang nag-iisip ng kanilang kurso sa kolehiyo:
  1. Ano ang bagay na nagpapasaya sa akin?
  2. Ano ang pangarap ko noong bata pa lamang ako?
  3. Anu-ano ang mga bagay na kaya kong gawin?
  4. Anu-ano ang mga bagay na hindi ko kaya or gustong gawin?
  5. Ano ang nais kong maging, gawin, o puntahan pagkatapos ko makapagtapos ng kolehiyo?
  6. Anong klase ng tao ang nais ko makahalobilo?
  7. Sinu-sino ang mga taong iniidolo ko?

Maaari rin magsaliksik sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga dyaryo, libro, magasin, o blogs ng mga tao sa iba't-ibang larangan o propesyon upang matuklasan kung magugustuhan mo ang propesyon o kurso na iyong papasukin.

Kung di makapagdesisyon... GOOD LUCK NA LANG! JOKE!

Kung di makapagdesisyon... pumili ng kursong alam mong di ka mahihirapan, at may iba't-ibang potensyal na papasuking karera.

Linggo, Enero 13, 2008

Anong Ibig-Sabihin ng Pangalang Ria?

Nakuha ko ito mula sa blog ni Ate Aileen na nakuha sa blog ni Sexy Mom.

What Ria Means

You are wild, crazy, and a huge rebel. You're always up to something.
You have a ton of energy, and most people can't handle you. You're very intense.
You definitely are a handful, and you're likely to get in trouble. But your kind of trouble is a lot of fun.

You tend to be pretty tightly wound. It's easy to get you excited... which can be a good or bad thing.
You have a lot of enthusiasm, but it fades rather quickly. You don't stick with any one thing for very long.
You have the drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start.

You are usually the best at everything ... you strive for perfection.
You are confident, authoritative, and aggressive.
You have the classic "Type A" personality.


Maraming totoo sa mga nakalahad dito. At malamang maraming mga nakakakilala sa akin na aayon. :P

Miyerkules, Enero 9, 2008

Bakit nga ba Ako Nagbo-Blog?!

Maraming nagtatanong, nagtataka kung bakit nakakayanan kong magsulat para sa humigi't kumulang labing-isang blogs.
Bakit?! Bakit?! Bakiiit?!

Yan ang tanong ng marami pati na rin ang "Paano?" Simple lang ang sagot ko... "kasi gusto ko."

Simula nung bata pa ako, pangarap ko na talaga maging isang manunulat. Hindi yung manunulat na gumagawa ng mga kwento at tula. Hindi rin yung manunulat na nagsusulat ng balita. Gusto ko sumulat ng mga sanaysay tungkol sa aking sariling, sa aking mga opinyon at mga bagay-bagay na mahalaga o interesante para sa akin.

Isang nakakabagot na summer noong nasa Ateneo pa ako, naisipan ko gumawa ng Yahoo Group upang kulitin ang mga kaklase at kaibigan ko na gustong makabasa ng aking mga sinusulat na sanaysay at kung anu-ano pa. "Riality Bites" ang pangalan ng YGroup na yun. Kasanayang puro mga sanaysay tungkol sa aking sarili ang mga sinulat ko doon. Kung minsan nagsulat din ako tungkol sa politika, at mga paksa sa mga asignatura ko sa skwela gaya ng Pilosopiya at Teolohiya.

Di nagtagal, gumawa ako ng isang personal na blog sa Live Journal. Napansin ni Kuya Andrew na mahilig akong magsulat ukol sa politika kaya inimbitahan at hinikayat niya akong gumawa ng niche blog tungkol sa politika at napanganak ang Alleba Politics.

And they rest, ika nga sa isang kasabihan, is history. Ang Alleba Politics ang simula lamang ng paglago ng blogs ko na 11 na sa ngayon. Kasapi rin ako sa ilang group blogs. Kasapi ako sa isang blogging network kung saan ako ang manunulat para sa higit na 20 blogs.

Bakit? Paano?

Kasi gusto ko. Dahil masaya ako. Kasi nagbibigay ito sa akin ng kakaibang tuwa. Dahil masayang kumita ng pera para gawin ang bagay na gustong-gusto kong gawin.

Kaya sa mga nag-iisip mag-blog... tanungin niyo muna ang sarili mo...
"Sino ba ako?"
"Ito ba ang magpapasaya sa akin?"
"Ano ang bagay na tunay na makakapag-excite sa akin?"

Lunes, Enero 7, 2008

Ukol sa Pag-inom

Dahil sa isang di kanais-nais na pangyayari sa isang lugar na itatago natin sa pangalang W, napag-isipan kong magbigay ng payo tungkol sa pag-inom ng serbesa kasabay ng pag-inom iba pang mga inuming may alcohol.

Dahil sa isang katangahan nalasing ng sobra at sumuka ang isang babaeng itatago natin sa pangalang Joesphine. Bakit? Kasi uminom siya ng beer, isang bote ng Red Horse stallion. At dahil ilang linggo na rin siyang di nakakainom ng kahit anong inuming may alcohol, uminom din siya ng Screwdriver. Pinaghalong orange juice at vodka ang Screwdriver.

Di nagtagal, bumulwak ng todo si Josephine.

Bakit? Kasi dapat pag uminom ka ng mga inuming may alcohol na tinatawag ding "hard drinks" gaya ng Screwdriver, Tequila, brandy, rhum at kung anu-ano pa, una mo itong lagukin. Pag kontento ka na sa mga ganitong inumin, saka ka tumungga ng serbesa.

Sabi ng isang eksperto, di mabuti ang paghalo or pag-inom ng iba't-ibang uri ng inuming alcohol sa isang pagkakataon o araw. Ngunit kung tutuusin daw, mas maigi pa rin na inumin sa huli ang serbesa kaysa sa ibang uri ng inuming alcohol. Yung mga kakilala kong tanggero, washing ang tawag sa ganito.

Kaya matuto kayo sa kabobohan at kahihiyang ginawa ni Josephine.

Linggo, Enero 6, 2008

Ano Ba Ang Glutathione?

Una kong narinig ang tungkol sa glutathione mula sa isang kaibigang lalake na itatago natin sa pangalangan Norman. Nagbebenta si Norma ng glutathione pills. Di umano, nakakapagpaganda at nakakapagputi ng kutis ang glutathione. Kung baga... magbibigay raw ito ng kakaibang "glow." CHAR!

Di nagtagal, nakakita ako ng isang napakalaking billboard sa may Bangkerohan Bridge. May mukha ito ng iilang artista at iilang nagfe-feeling artista. Ine-endorso nila ang isang brand ng Glutathione (Gluta for short) pills.

Ayon sa aking pinsan na nag-aaral para maging doktor, hindi naman talaga nakapagpapaputi ng kutis ang pag-inom ng Glutathione. Ibabalik lamang nito ang likas or natural na kulay ng kutis mo. Sabi niya, kung pinanganak kang maputi, magiging maputi ka... ngunit kung pinanganak kang morena, magiging morena ka.

Ano ba ang glutathione?

Ayon sa Wikipedia...
Glutathione (GSH) is a tripeptide. It contains an unusual peptide linkage between the amine group of cysteine and the carboxyl group of the glutamate side chain. Glutathione, an antioxidant, protects cells from toxins such as free radicals.


Ayon naman sa isang website...
Glutathione is a dietary supplement used as an antioxidant to help protect the body from many diseases and conditions. It is also used to treat infertility (difficulty getting pregnant), cancer, cataracts, and human immunodeficiency virus (HIV). Glutathione is used to detoxify various chemicals from the body.


Naintindihan niyo ba? Ako naintindihan ko pero hindi ko mapaliwanag. Ang malinaw, isa itong tila parang vitamins na nakakatulong sa pagpuksa at pag-alis ng mga nakakasira (harmful) na mga kemikal sa katawan ng tao. Ano ang relasyon nito sa pagpapaputi at pagpapaganda?

Sabi ng isang nagbebenta ng Gluta:
...the inner layer of the skin called dermis and the outer surface which is visible in our eyes is the epidermis. The primary determinant of variability in human skin color is the melanin and melanocyte is a cell that synthesizes it. L-glutathione, the whitening pill's main component, starts the lightening process in the dermis working its way out to the surface.


Kung baga pinipigilan ng Gluta ang paggawa ng melanin na siya namang nagbibigay ng kulay sa kutis natin.

Ngunit, ayon kay Dr. Ray Sahelian...
Glutathione, taken as a supplement, may not be able to cross across the cell membrane and thus may not be effective.


Maaari raw na hindi epektibo ang pag-inom ng Gluta bilang supplement dahil baka hindi ito mapasok ang iyong cells.

Naku! Masyado nang komplikado!

Ang dapat tandaan, isang antioxidant ang Glutathione na maaaring tumulong sa pagpuksa ng mga mapanirang mga kemikal.

Ate Ria: Mag-Blog Ka!

Salamat sa kagustuhan ni Batang Yagit na tulungan akong pasikatin itong blog na ito... naka-buo ako ng isang ideya na makakatulong sa paglago ng "Ate Ria."

Upang paramihin at mapabuti ang laman ng aking blog, naisipan kong humingi ng inyong mga tanong upang aking tugunan ng mga karampatang sagot, suhestiyon, tugon, at payo. Upang mapadali ang pag-sumite ng inyong mga tanong, ilagay sa inyong sariling blog, friendster, multiply, website, o ibang lugar online ang inyong tanong na may kasamang katagang "Ate Ria" na may link (http://ateria.blogspot.com) sa blog na ito.

Maaaring nasa wikang Ingles, Filipino, Tagalong, o dialektong Bisaya ang inyong tanong. Ngunit, sasagutin ko ang mga ito gamit ang Filipino bilang pangunahing wika. Walang mga restriksyon sa uri o paksa ng inyong tanong. Subalit hindi ko maipapangakong masasagot ko lahat ng ito. Susubukan kong masagot ang dalawang tanong sa loob ng isang linggo.* Hindi kelangang sumulat kayo ng espesyal o tanging post para lamang sa inyong tanong. Maari niyo itong isingit sa inyong ibang post. Ang mahalaga malinaw ang inyong tanong at may link sa blog na ito na gamit ang anchor text na "Ate Ria."

Halimbawa magsulat kayo sa inyong blog ng ganito:

"I want to ask Ate Ria if whales menstruate?"


Oh, diba? Madali lamang gawin ito? Hihintayin ko ang inyong mga tanong. Upang mapabilis ang pagsagot ko sa inyong mga tanong, maaari kayong mag-iwan ng komento sa post na ito na nakasaad ang inyong pangalan at URL ng inyong post na naglalaman ng tanong inyong.

Maraming salamat po!!!

PS Hindi ang sagot sa tanong. Hindi nag-reregla ang mga balyena. Nandito po ang paliwanag.

* Translation: I will try to answer at least two questions per week. (Oh, dear Tagalog people, is my translation correct?)

Miyerkules, Enero 2, 2008

Naghahanap si John ng Polo

Isang araw nakatanggap ako ng isang tanong mula sa isang ka-loveteam ko. Itago natin siya sa pangalang John. Tinatanong niya kung ano raw yung tawag sa polo na tinutupi upang maging medyo maiksi yung manggas. Sabi ko "3/4s polo ang tawag dun." Ibinibigkas po itong "three-fourths." Ayon naman sa kaibigan kong fashionista "long-sleeved polo" pa rin daw tawag dun. Sabi naman ni Wikipedia "dress shirt" di umano ang tawag dun.

Balik tayo kay John. Tinanong niya rin ako kung asan daw siya makakabili ng mga ganoong polo. Gusto raw ni John bumili ng mga 3/4s polo para sa kanyang panliligaw sa kanyang napupusuang babae. NAKS! Sagot ko, "sa Guess." Sabi ni John, di raw ito kaya ng budget niya.

Sagot ko naman, subukan niya sa Van Heusen. Nakabili na ako dun ng mga polo/dress shirts at gusto ko mga kulay at disenyo nila. Sabi ko maganda rin tumingin sa Chimes kasi maraming iba't-ibang brand ng mga polo dun. Iminungkahi ko rin na maghanap siya sa mga department stores ng mga malls gaya ng SM.

Sabi ng isang kaibigan kong lalake, marami ring magagandang polo sa Loalde. Sabi ko medyo dark yata mga kulay nila dun. Mas bagay kay John ang pastel na kulay sapagkat maputi siya at medyo bata pa. Gagamitin lang naman din niya yung polo sa pagpapa-cute sa nililigawan niya kaya mas babagay yata sa kanya ang Van Heusen.

Sabi ko maari ko siyang samahan sa paghahanap kung gusto niya. Ite-text niya na lang daw ako kapag may pera na siya at desidido na siyang bumili ng mga polo.

Kung may mga tindahan o brands pa kayong maimumungkahi, para sa kaibigan kong si John, paki-iwan na lang po ng komento sa blog na ito.

Maraming salamat po!

Martes, Enero 1, 2008

Privacy Policy Statement

Privacy Policy Statement
This is the web site of Maria A. Jose.

Our postal address is
CVA Building, CM Recto Street
Davao City 8000

We can be reached via e-mail at riajose@gmail.com or you can reach us by telephone at 6382-2278131.

For each visitor to our Web page, our Web server automatically recognizes IP Address.

We collect the e-mail addresses of those who post messages to our bulletin board, aggregate information on what pages consumers access or visit.

The information we collect is used for internal review and is then discarded, used to improve the content of our Web page.

With respect to cookies: We use cookies to store visitors preferences, record user-specific information on what pages users access or visit, alert visitors to new areas that we think might be of interest to them when they return to our site, record past activity at a site in order to provide better service when visitors return to our site , ensure that visitors are not repeatedly sent the same banner ads.

If you do not want to receive e-mail from us in the future, please let us know by sending us e-mail at the above address.

From time to time, we make the e-mail addresses of those who access our site available to other reputable organizations whose products or services we think you might find interesting. If you do not want us to share your e-mail address with other companies or organizations, please let us know by calling us at the number provided above.

From time to time, we make our customer e-mail list available to other reputable organizations whose products or services we think you might find interesting. If you do not want us to share your e-mail address with other companies or organizations, please let us know by calling us at the number provided above.

If you supply us with your postal address on-line you may receive periodic mailings from us with information on new products and services or upcoming events. If you do not wish to receive such mailings, please let us know by calling us at the number provided above.

You may receive mailings from other reputable companies. You can, however, have your name put on our do-not-share list by calling us at the number provided above.

Please provide us with your exact name and address. We will be sure your name is removed from the list we share with other organizations

Persons who supply us with their telephone numbers on-line will only receive telephone contact from us with information regarding orders they have placed on-line.

Please provide us with your name and phone number. We will be sure your name is removed from the list we share with other organizations.

With respect to Ad Servers: To try and bring you offers that are of interest to you, we have relationships with other companies that we allow to place ads on our Web pages. As a result of your visit to our site, ad server companies may collect information such as your domain type, your IP address and clickstream information. For further information, consult the privacy policies of: http://www.google.com/privacy.html .

From time to time, we may use customer information for new, unanticipated uses not previously disclosed in our privacy notice. If our information practices change at some time in the future we will post the policy changes to our Web site to notify you of these changes and we will use for these new purposes only data collected from the time of the policy change forward. If you are concerned about how your information is used, you should check back at our Web site periodically.

Upon request we provide site visitors with access to no information that we have collected and that we maintain about them.

Upon request we offer visitors no ability to have factual inaccuracies corrected in information that we maintain about them.

If you feel that this site is not following its stated information policy, you may contact The DMA's Committee on Ethical Business Practices at mgoldberger@the-dma.org.