Lunes, Marso 10, 2008

Bakit Konti Lang ang mga Kumukuha ng Kursong Education?



Isang araw, nakatanggap ako ng email mula sa isang taong di ko kilala, na wala man lang nakasulat na subject. Ito ang nilalaman ng email:
"ate ria, bkt po konti lang ang mga kumukuha ng kursong education?"


Sa aking palagay, taliwas sa inaakala ng nagpadala ng email, maraming kumukuha ng kursong Education. Sa katunayan, pangalawa sa pinakamaraming kumukuha ng licensure exam ang mga nagnanais maging guro. Una siyempre ang nursing.

Maraming kumukuha ng kursong Education dahil gaya ng Nursing, maraming mga oportunidad sa labas ng Pilipinas para sa mga guro. Sa katunayan, may mga propesyonal na kumukuha ng mga "units" sa Education upang makapag-eksamin sila ng Licensure Exams for Teachers (LET).

Marami ring kumukuha ng kursong Education sapagkat maraming iba't-ibang asignatura dito, maaari kang mag-major sa Mathematics, English, Filipino, Science, Values Education, at kung anu-ano pa.

Ako man, kumuha rin ng kursong Education dahil gusto ko maging guro. Hindi upang maging guro sa ibang bansa, kung maging guro dito sa ating bansa. Dahil mahilig akong magsalita, at mahilig din ako sa Math at iba't-ibang asignatura, kaya naisipan kong kumuha ng kursong Education.

Di man ako guro ngayon na nagtuturo sa isang paaralan, sa loob ng silid-aralan, sa aking palagay nakakapagturo pa rin ako sa iba't-ibang paraan. Nagiging guro ako sa pamamagitan ng mga blogs ko. Nagiging guro ako kapag naiimbitahan akong mga tagapagsalita sa mga seminar. Iilan lamang ito sa mga okasyong nagiging guro ako.

Kaya dun sa ngapadala ng email, ito ang sagot ko, MARAMING KUMUKUHA NG KURSONG EDUKASYON.

7 komento:

Marco ayon kay ...

NURSING na kasi halos!

cool_iceman9 ayon kay ...

edukasyon ba kinuha po ninyo ria? anong medyor mo? ingats po.

janettetoral.com ayon kay ...

Salamat sa kaalaman tungkol rito. Marahil, sa dami na rin ng mag-aaral at silid-aralan, kaya pa rin tayo kinukulang sa mga guro.

Aracir ayon kay ...

parang pamilyar(?) ang silid-aralan at mga upuan na nasa larawan hehehe

dru ayon kay ...

w0w ate ria... nakita rin kita... hahahaha.... galing m0 talga... idol talaga ^_^

ara ayon kay ...

familiar rin sa akin ung classrom .. mmmm NDMU?

Tiradauno ayon kay ...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/