Biyernes, Pebrero 8, 2008

Paano ba Hihilumin ang Nagdurugong Puso?

NOOOSEBLEED BA ANG PAMAGAT? HAHA!

Nitong mga nakaraang linggo, may iilang mga kaibigan akong balisang-balisa, di mapakali, di makapamuhay ng maayos dahil sa isang suliraning di nila mabigyan ng karampatang solusyon. Paano nga ba gamutin ang isang pusong nasaktan?

Kahit ano pa ang sabihin ng iba, ang tanging lunas, tanging makapagpapawala sa kirot at sakit... ay ang pagtanggap. Ngunit mahirap itong gawin, mahirap makamit.

Paano mo ba tatanggapin ang isang bagay ng mahirap maintindihan? Upang umabot sa pagtanggap, kinakailangan ng tinatawag na "closure." NAAAKS! At paano makukuha itong tinatawag nating closure?

Iba-iba ang pamamaraan ng tao upang makamit ng closure. Para sa karamihan, dumarating ang closure sa pamamagitan ng isang matinding komprontasyon. Minsan, dumarating ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga sagot sa mga tanong na nakakapagpabagabag sa kanilang isipan.

Sa aking buhay, nakuha ko lahat ng closure na kelangan ko sa pagtatanong ng nga mga tanong na ito ng harap-harap sa mga taong makakabigay ng mga sagot (halimbawa: sa mga tangang lalakeng dumurog sa puso ko).

At kapag natanong ko na lahat ng tanong, at nakuha ko na ang lahat ng mga sagot na kailangan ko, saka ko tinatanggap ng kusa, ng maluwag sa aking kalooban ang mga pangyayari.

Kung inaakala kmong makakamtan mo ang katahimikan sa di pag-imik, di pag kibo, pagsasawalang bahala, sa paglimot, nagkakamali ka kaibigan. Kung gumagana ang ganitong paraan para sayo, ma-swerte ka.

Ngunit kalimitan, isang matinding komprontasyon, ng pagtatanong, ng paghingi ng kapatawaran and tanging magdadala sayo sa pagtanggap ng katotohanan.

At sa pagtanggap na ito, dahan-dahang hihilom ang mga sugat. Kasanayang, hindi tuluyang mabubura ang sakit, ang hapdi, ang kirot, at mga sugat. At may konting bahagi nito ang naiiwan sa ating puso.

Itong bahaging ito ang nagtuturo sa atin ng mga dapat nating matutunan, nagpapaalala na minsan nakamali tayo, nasaktan.

At kahit na naghilom na ang pusong minsan dumugo, ang mga leksyon ng minsang pagkadurog nito ang magpapatibay rito.

7 komento:

Batang Yagit ayon kay ...

nosebleed ako. T__T

Andrew ayon kay ...

Di ko po sya naintindihan. :(

Swexie ayon kay ...

sa mga tangang lalakeng dumurog sa puso ni ate ria... awts!

xhien ayon kay ...

sabi nga nila.. "time can heal heartaches".. baka effective din sayo yun.. :)

be strong.. ;) ang dami pang lalake dyan.. *hehe*

Aileen Apolo-de Jesus ayon kay ...

Sino yun? Lagot sa akin yun!

Ria Jose ayon kay ...

Di po para sa akin or tungkol sa akin to. Dedicated to a friend ito. Thanks for the support though! :)

Roch ayon kay ...

talagang nosebleed! Ako'y medyo nahirapang magbasa pero napakagandang aral ang naisulat.

Pero ano nga ba ang 'closure' sa tagalog?

:D